Looks like I'm feeling poetic right now. Let me post my emo rants set in an imagined scenario strung together to form a crude poem, which I submitted for bonus points in Fil =)
Note: It is the persona speaking in the poem, not me, haha. Also, this is just about 25% based on real life.
Pusong Nawalay
Isang mahiwagang ngiti
At natunaw ang aking damdamin
Isang mahinhing haplos
At nahulog ang aking bituka sa galak at kaba
Nang ako’y iyong kinausap
Ang tinig mo’y kay rikit na himig!
Humantong sa tawanan at konting kwentuhan
Unti-unting nasulyapan ang ginto mong puso
Hay, tuluyan na yata akong nalason ng pagmamahal
Isang araw, lumikas ka mula sa aking landas
Walang paalam, parang bula, nawala na lang
At ako’y napatulala, naghihintay sa iyo
Handang ialay ang lahat makita ka lang muli.
Nako, kinulam na ako ng iyong kagandahan
Dahil sa bawat sinasabi, kinikilos, at iniisip
Tanging ikaw ang naaaninag
Bakit hindi ko matakasan?
Nagdurugo na ang puso ko
Nag-aasam na mapuna mo ang kawalan sa gitna nito
Kasalanan bang ibigin ka,
Kaya ako pinaparusahan ng ganito?
Durugin na lang nawa ang aking puso
Nang mapakawalan na ang pait at sakit
Sa bawat paghinga
Napupuno ako ng matinding kalungkutan
Sa kaalamang wala nang pag-asang
Maibalik pa ang matatamis na gunita
Sa pagtulog na lang ako aasa
Makapiling
Makita muli ang iyong mahiwagang ngiti
Kahit sa panaginip lamang
No comments:
Post a Comment